^

Metro

HPG papasukin na rin mga kalsada malapit sa EDSA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang mabawasan ang malalang daloy ng trapiko, nagdeploy na rin  ng mga traffic enforcers ang PNP-Highway Patrol Group (HPG) sa kahabaan ng Ortigas Avenue sa San Juan matapos na matukoy na isa ito sa sanhi ng malalang daloy ng trapiko sa EDSA .

Ayon kay PNP-HPG Spokesman Supt. Oliver Tanseco ang deployment ng PNP –HPG personnel sa kahabaan ng Ortigas Avenue ay matapos ang pagbisita sa Camp Crame ni Secretary to the Cabinet Jose Almendras.

Ang Ortigas Avenue ay  tumatawid din sa EDSA at isa sa mga pangu­nahing highway na may matin-ding daloy ng trapiko ba-gaman hindi ito kabilang sa idineklarang anim na chokepoints.

 “There are areas which are not in EDSA, but we need to make sure traffic coming from EDSA are clear, roads going out or going into EDSA clear, so our vehicles can move out of EDSA,” pahayag ni Tanseco.

 Ang anim na chokepoints sa EDSA ay kinabi-bilangan ng Balintawak, North Avenue, Cubao; pa­wang sa Quezon City; Shaw Boulevard sa Mandaluyong City; Guadalupe sa Makati City at Taft Avenue sa Rotonda, Pasay City.

 “As the secretary has said, the HPG can apprehend even within two kilo-meters of EDSA, that is why there are vehicles which are not on EDSA but coming from Edsa and you’re not following traffic rules, there is a traffic buildup on EDSA,” ayon pa sa opisyal.

Aminado naman si Tanse­co na isang malaking hamon    sa PNP-HPG ang pag­­­­sasa-ayos ng trapiko sa kahabaan ng 23 kilometrong EDSA na dating nasa hurisdiksyon  ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Samantalang sa malalakas na pagbuhos ng ulan na dulot ng thunderstorm  nitong mga nakalipas na araw ay nakapagpalala pa sa  trapiko sa EDSA sanhi ng mga pagbaha.

Ayon pa kay Tanseco, ang trapiko sa kahabaan ng Ortigas Avenue ay sanhi ng mga behikulong nakapara-da sa entry at exit ng Dela Salle  High School sa Greenhills, San Juan kung saan ay nangako si Almendras na bibigyan ito ng solusyon.

“Secretary Almendras said he’s going to talk to the school for them to help us manage traffic on EDSA, particularly on the vehicles that were parked on the entry and exits of the school,” ani Tanseco.

Idinagdag pa nito na hihilingin rin ng PNP-HPG ang tulong ng mga lokal na opisyal sa paglilinis sa sidewalks at iba pang nagiging sanhi ng malalang daloy ng trapiko sa EDSA kung saan kailangan ang tulong ng mga kinauukulan para mapagtagumpayan ang kanilang misyon.

ACIRC

ANG

ANG ORTIGAS AVENUE

AYON

CABINET JOSE ALMENDRAS

CAMP CRAME

EDSA

NBSP

ORTIGAS AVENUE

SAN JUAN

TANSECO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with