MANILA, Philippines - Tuluyan nang kinansela ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang franchise ng Valisno bus epektibo kahapon na ibig sabihin ay hindi na makakapasada ang lahat ng bus unit nito kahit kailan.
Ito ay nakasaad sa ipinalabas na desisyon ng LTFRB board laban sa may -ari ng bus company na si Rosalinda-Cando Valisno bunga ng mga paglabag nito sa mga batas at patakaran ng ahensiya hinggil sa pag -ooperate ng public utility buses.
Ilan lamang sa paglabag ni Valisno ang hindi pagrerehistro sa naaksidenteng sasakyan (TXV-715) ngayong taong 2015. Nadiskubreng 2014 ang last registration ng naturang bus unit gayundin ang ilang bus unit nito ay nakaalarma dahil sa ibat-ibang paglabag sa batas at gumamit din ito ng pangalang Gaseco para hindi matumbok si Valisno kung mayroon itong mga paglabag sa patakaran ng LTFRB.
Bukod sa pagkansela sa franchise ng Valisno bus, inutos din ng LTFRB board na sirain at wasakin ang lahat ng yellow plates ng mga bus unit ng Valisno na naka-surender sa LTO.
Dahil hindi pa rin nagagawa ni Valisno ang utos ng LTFRB upang mag- comply sa mga requirements na maisaayos ang operas-yon nito, tinanggihan na ng ahensiya na aksiyonan ang mga pleadings nito.
Ayon sa LTFRB, bukod sa hindi na makakabiyahe pa ang lahat ng bus ng Valisno ay hindi na rin mapapakinabangan ang mga units nito dahil hindi ito maibebenta ng Valisno dahil wala na itong pag- asang mairehistro pa sa LTO.
Matatandaang sinuspinde ng LTFRB ang operasyon ng Valisno noong August 12,2015 makaraang mamatay ang 2 nitong pasahero habang marami pa ang nasugatan nang maaksidente ang isa nitong bus unit sa may Quezon City kamakailan.