MRT-3 muling nagkaaberya

MANILA, Philippines - Habang rush hour at naghahabol sa pagpasok sa paaralan ng mga estudyante at pagpasok sa trabaho ng mga mangga­gawa ay siya namang pagtirik ng biyahe ng Metro Rail Transit­ (MRT-3) kahapon ng umaga.

Nabatid kay MRT General Roman Buenafe, na dakong alas-7:02 ng umaga nang mag-malfunction ang pinto ng isang tren ng MRT sa Santolan station na patungo ng southbound ng Edsa.

Sinabi ni Buenafe, napilitang pababain ang mga sakay ng tren dahil sa nangyari upang hindi magkaroon ng disgrasya.

Walang magawa ang mga pasahero kundi bumaba.

Nagpahayag naman ng pagkainis ang ibang pasahero dahil sa palagian na lamang nagkakaroon ng aberya sa biyahe ng MRT-3.

Muli namang humingi ng pang-unawa sa publiko si Buenafe at nagsabing kapag full operation na ang mga inangkat na proto­type na tren mula sa China ay tiyak na malulunasan na ang mga nararanasang problema ngayon ng MRT-3.

 

Show comments