^

Metro

Sampaloc Public Market isasailalim din sa rehabilitasyon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isasailalim din sa rehabilitasyon ang Sampaloc Public Market sa Maynila sakaling  maratipikahan ang joint venture agreement sa pagitan ng  city  government at private company  na XRC.

Sa ginanap na joint public hearing ng Committee on Markets, Hawkers and Slaugtherhouse; Committee on  Livelihood at Committee on Laws,  layon ng mga ito na  maratipikahan ang joint venture upang  maisaayos  ang Sampaloc Public Market sa  panulukan ng Legarda at Bustillos Sts. sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay  Market, Hawkers and  Slaugtherhouse com­mittee chairman at Manila 3rd District Councilor Joel Chua  tiniyak  nito na walang  pagtataas ng renta sa loob ng dalawang taon habang 5 hanggang 10 porsiyento lamang ang  itataas  sa simula ng  paniningil  at walang  good­will money na  papasa­nin ang mga vendors.

Tiniyak naman  ni Counci­lor Jo Quintos ng 4th District na mas lalaki ang kita ng mga vendor at walang  paalising vendors sa kanilang mga lugar.

Gayunman, mahigpit na ipinagbabawal ang  pagpapaupa ng stall dahil  bibigyan ng certificate ang  bawat stall owners.

Apela  nina  Chua at Quin­tos na  huwag  umanong ha­luan ng pulitika ang rehabi­litasyon at ito ay pagpapa­unlad ng Maynila dahil mismong ang Manilenyo din ang makikinabang.

Nabatid na apat na pa­lengke ang  nakatakdang  isa­ilalim  sa redevelopment ng XRC. Kabilang dito ang  Sta. Ana, San Andres,  Trabaho at Sampaloc Market.

Wala  namang dumalo na kinatawan o vendor ng  Sampaloc Public Market matapos na tanggihan ng mga ito na tanggapin ang  notice of in­vitation ng tatlong komite.

ACIRC

ANG

BUSTILLOS STS

DISTRICT COUNCILOR JOEL CHUA

HAWKERS AND SLAUGTHERHOUSE

JO QUINTOS

MAYNILA

NBSP

SAMPALOC MARKET

SAMPALOC PUBLIC MARKET

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with