Bading at boyfriend kinotongan na, pinag-o-oral sex pa Precinct Commander, 4 pang MPD cops sibak

MANILA, Philippines - Sinibak na sa puwesto ang isang precinct comman-der at apat pa nitong tauhan matapos ireklamo ng isang 38-anyos na bading at boyfriend nito ng extortion kung saan inutusan pa umano silang mag-perform ng ‘oral sex’ sa loob ng himpilan sa Sta. Mesa, Manila noong nakalipas na linggo.

Kinilala ang mga ito na sina Inspector Rodolfo Leechui, precinct commander sa Station 8 sa V. Mapa, Sta Mesa ng lungsod. Ang iba pa ay sina SPO1 Renato Ablaza, PO3 Ruel Aguilar, PO2 Patrick Guevara at PO2 Ronald Robles.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Manila Police District (MPD) Director P/Chief Supt. Rolando Nana patuloy ang masusing imbestigasyon laban sa mga akusado na inireklamo ng biktimang si Michael, 38-anyos.

Sa  imbestigasyon, nabatid na ang insidente ay naganap noong Agosto 8 matapos na si Michael , isa umanong bading at boyfriend nito ay mahuli ng mga pulis sa kahabaan ng V. Mapa sa panulukan ng Peral­-ta Street sa Sta. Mesa  na ina­kusahan ng ‘illegal possession of drugs “ matapos na umano’y mahulihan ng shabu.

Nabatid pa na kinuha rin umano ng nasabing mga pulis ang lamang P 5,000 sa wallet ni Michael.

 Samantalang dinala rin ng mga suspek sa isang police precinct kung saan pinagsusuntok ang mga ito at inutusang magsagawa ng ‘oral sex’ upang panoorin umano ng nasabing mga parak. Nang tumanggi si Michael ay sinabihan itong magprodyus ng pera para hindi ituloy ang kaso.

Ayon kay Nana, dinisarmahan na rin ng mga service firearms at tsapa ang nasa-bing mga pasaway na pulis.

“Anytime from now, I expect them to report to the [district] support unit, pending investigation. Once a criminal case is filed and they are needed at the fiscal, they will be at the support unit,”  ang sabi pa ng opisyal.

Show comments