^

Metro

Canadian national nagpakamatay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang Canadian natio-nal ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pag-suffocate sa sarili ng chemical gas sa loob ng isang hotel sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Patay na nang matagpuan si Terrance Gregory Mc Mullin, tubong Toronto, Canada, at pansamanta- lang nanunuluyan sa Amazonia Hotel, sa M.H del Pilar corner Sta. Monica Sts., Ermita simula noong Agosto 30, 2015.

Sa ulat ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:50 ng gabi nang matuklasan ng hotel front desk na si Arlyn Silva na patay na ang biktima.

Sa salaysay ni Silva, ang biktima ay bayad sa hotel  hanggang alas-12:50 ng hapon kamakalawa.

Lumagpas na ang chek-in time nito subalit hindi pa umano lumalabas ang biktima hanggang sa tawagan  ito kinabukasan para tanungin sana kung mag-e-extend pa ng araw subalit hindi sumasagot.

Umabot na ng gabi hang­gang sa magpasiya na lamang sila na buksan ang silid ng biktima gamit ang duplicate key at doon natuklasan ang wala nang buhay na biktima.

Nakabalot umano ang ulo nito ng itim na plastic na may nakasingit na hose na nakakonekta naman sa isang maliit na tangke na umano’y may lamang Helium gas.

May suicide note din na natagpuan sa safetybox na gamit ng biktima.

Dumating umano sa bansa ang biktima noong Disyembre 2013 at sa nakitang immigration ID na sa Hunyo 2016 pa ito ma-e-expire.

Sinabi ni Balinggan na base sa suicide note, may problema ang bikti­ma at ang kaalitan nito ay ang kaniyang sariling pa­­milya.

Nakikipag-ugnayan na sa Canadian Embassy ang Homicide Section para sa disposisyon sa labi ng nabanggit na dayuhan.

ACIRC

AMAZONIA HOTEL

ANG

ARLYN SILVA

BIKTIMA

CANADIAN EMBASSY

ERMITA

HOMICIDE SECTION

ISANG CANADIAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MILBERT BALINGGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with