Trader tinodas sa loob ng bahay

MANILA, Philippines – Hinihinalang personal ang motibo sa pamamaslang ng nag-iisang salarin na nakasuot ng bonnet sa isang negosyante sa loob ng bahay sa huli sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na   si Rodan Defiesta, 48, ng   Tandang Sora St., 7th Ave­nue, Brgy. 105 West Grace park, ng naturang lungsod.

Sa ulat, natutulog na ang pamilya Defiesta dakong ala- 1:45 ng madaling araw nang pasukin ang bahay ng nag-iisang salarin na nakasuot ng bonnet.

Agad na tinungo ng salarin ang kuwarto ng natutulog na biktima at pinagsasak- sak ito. Hindi naman ginalaw ng salarin ang misis ng biktima at anak na dalagita.

Bago tumakas, dumaan sa tindahan ng biktima ang salarin at tinangay ang pa ang P2,000 kita.

Hindi naman naniniwala ang mga imbestigador na pagnanakaw ang motibo sa pan­loloob. Posible uma­nong tinangay lang ng salarin ang kita ng tindahan upang iligaw ang imbestigasyon.

Patuloy ngayon ang ma­­su­sing ipagsisiyasat ng pulisya sa krimen kabilang ang pag-alam kung may ka­away ito o kung may taong po­sibleng magtanim ng galit sa biktima.

Show comments