Transport groups, di’ pa magro-rollback sa pasahe

Hindi pa hihirit ng bawas pasahe sa mga pampasaherong jeep ang mga jeepney operators. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Hindi pa hihirit ng bawas pasahe sa mga pampasaherong jeep ang mga jeepney operators kahit na sunud-sunod na ang oil price rollback.

Ito ayon kay  Efren de Luna, Presidente ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) ay dahil hindi pa sapat ang naganap na rollback sa presyo ng mga produktong pet­rolyo nitong nagdaang mga araw.

Sinasabing dapat nang ba­­baan ng mga jeepney operators sa P7.00 ang minimum fare sa jeep mula sa kasalukuyang P7.50 pasahe dahil sa magkakasunod na bawas presyo­ ng krudo at gasoline.

Binigyang diin ni de Luna, kapag bumaba na sa halagang P27 ang kada litro ng krudo ay saka lamang sila hihingi ng rollback sa pasahe sa passenger jeepney. Sa ngayon P34 ang halaga ng kada litro ng krudo.

Hindi rin umano buma­baba ang maintenance fee at mga bayarin sa LTO at LTFRB kayat wala pang naitutulong sa kanilang hanay ang oil price rollback.

Una nang nagsabi ang grupong Pasang Masda na sila ay magsasampa ng apela sa Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board (LTFRB) para maibaba sa P7 ang mi­nimum fare sa jeep dahil sa patuloy na rollback sa presyo ng petroleum products.

Show comments