^

Metro

Abi, Junjun Binay kinasuhan ng malversation of public funds

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nahaharap sa kasong malversation of public funds sina Makati City  Rep. Abigail Binay at suspendidong Makati Mayor Junjun Binay sa office of the Ombudsman.

Ang abogadong si Renato Bondal ang naghain ng kaso laban kay Abigail dahil sa umano’y maanomalyang paggamit niya ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong 2011.

Dagdag niya na dawit din sa kaso si Junjun dahil ang lokal na pamahalaan ang nagpapatupad ng paglalagak ng PDAF.

Ayon kay Bondal, naglabas umano ang kongresista ng P25 milyong PDAF para sa dalawang pekeng non-government organizations (NGO).

Nalaman ding kaduda-duda ang dalawang NGO na Gabay at Pag-asa ng Masa at ang Kaakbay Buhay Foundation na pareho ang modus operandi ng sa tinaguriang utak ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

 

 

ABIGAIL BINAY

ANG

AYON

BONDAL

DAGDAG

JANET LIM NAPOLES

KAAKBAY BUHAY FOUNDATION

MAKATI CITY

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

RENATO BONDAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with