Masahista niratrat sa loob ng bahay
MANILA, Philippines – Patay ang isang 54-anyos na massage therapist nang pasukin ng gunman sa loob ng bahay at paputukan ng bala ang iba’t ibang bahagi ng katawan, sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Mahigit dalawang oras pa ang lumipas bago idineklarang patay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Jorito Verzosa ng no. 098 B-1 Aplaya, Baseco Compound, Port Area. Hindi naman nakilala ang suspek na armado ng baril .
Sa ulat ni P03 Noel Santiago ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima.
Sa salaysay ng live-in partner ng biktima na si Rizel Deloso, 32,nagpapakain siya ng kanilang aso habang ang biktima ay abala sa pagtali ng mga panggatong na kahoy nang biglang sumulpot ang suspek at pinaulanan ng bala.
Isininugod niya sa pagamutan ang kalive-in subalit namatay din habang nilalapa-tan ng lunas bandang alas-8:30 ng gabi.
Wala namang makapagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad kung sino at ano ang motibo sa pamamaslang.
- Latest