Retired police na nakapatay sa live-in partner, timbog

Philstar.com/File photo  

MANILA, Philippines – Hawak na ngayon ng Caloocan City Police ang retiradong pulis Caloocan na umano’y nakapatay sa kanyang live-in partner sa gitna ng kanilang pagtatalo kamakailan sa naturang lungsod.

Kinilala ni Caloocan Police chief, Sr. Supt. Bartolome Bustamante ang suspek na si Tito Cabauatan, 53, ng no. 15-Gold Rock St., Bgy. San Roque, Navotas City.  Nahaharap ito ngayon sa kasong murder.

Sa ulat ng Northern Police District (NPD), unang nasakote ng mga tauhan ng Tuguegarao City Police Station si Cabauatan sa isang operasyon sa Batang St., Bgy. Tanza, ng naturang lungsod.

Alas-5 ng hapon nitong Agosto 29 nang ilipat sa kustodiya ng mga tauhan ng Caloocan City Police at District Investigation and Detective Management Division sa pamumuno ni P/Supt. Edgardo Cariaso si Cabauatan nang magtungo sa Tuguegarao City ang mga operatiba.

Sinasabing nabaril at napatay ni Cabauatan, ang kanyang 27-anyos na kinakasama na si Catherine Agudo sa loob ng inuupahang kuwarto sa may Bgy. 14 Kaunlaran Village, Caloocan, nitong Agosto 26.

Show comments