MANILA, Philippines – Isang 17-anyos na tinedyer na snatcher ang pinagbabaril at napatay ng isang hinihinalang lala-king vigilante makaraang agawin niya ang cell phone ng isang estudyante sa Sta. Cruz, Manila kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang umano’y snatcher na si Rommel Resureccion ng Oroquieta St., Sta. Cruz. Patay na siya nang maipasok sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa naturang lunsod din.
Tinamaan naman ng ligaw na bala at nasugatan ang mag-amang sina Gary Caingat, 34, at Earl Gabriel, 7, kapwa residente ng Signal Village, Taguig City. Inilipat sila sa isang pagamutan sa Quezon City mula sa JRMMC.
Nabatid sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District-Homicide Section na dakong alas 7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng New Raquel Bread House na matatagpuan sa no. 1710 Rizal Avenue, Sta. Cruz.
Hinablot umano ni Re- sureccion ang cell phone ng estudyanteng si Fran-cesca Calalay, estudyante, habang nakahinto ang sinasakyan nitong dyip sa panulukan ng Rizal Ave-nue at San Lazaro sts..
Papatakas na si Resureccion sa direksyon ng Rizal Avenue southbound nang isang hindi nakilalang suspek sakay ng Enduro type motorcycle na armado ng kalibre .45 ang bumaril ng magkakasunod na putok at tinamaan siya. Minalas na tinamaan ng ligaw na bala ang sakay naman ng Toyota Corolla na may plakang UDU 776 .
Naglaho na lang bigla ang sinasabing vigilante na posibleng nag-aabang ng mga holdaper at snat-cher sa nasabing lugar na sinasabing madalas ang snatching at holdup.