MANILA, Philippines - Magsasagawa ng sunod-sunod na pagpupulong ang Citizens Crime Watch (CCW) upang isulong ang kapayapaan at kapakanan ng mga tribo at Muslim sa Cordillera at Mindanao.
Ayon kay CCW leader sa Cordillera Adminis-trative Region (CAR) Leonardo Balicdan, ang program ay nasa ilalim ng proposed Bangsamoro Basic Law (BBL) na ang bersyon ay inamiyendahan sa Senado ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., chairman ng Senate committee on labor.
Sabi ni Balicdan, ang mga dadalo ay aapila kay Marcos na magpasa ng batas na tulad ng BBL para sagutin ang kahili-ngan ng mga igorot na magkaroon ng tunay na “autonomous region.”
Dagdag naman ni Dr. Heal Dineros, CCW national coordinator for Muslim and tribal affairs, napag-usapan na nila ng senador ang nasabing panukala at bukas naman ito sa pagbuo ng batas tulad ng BBL para sa mga taga-Cordillera na nakasaad din sa 1987 Constitution.
Ang unang pagpupulong ngayong taon ay pangungunahan ng CCW-CAR Chapter sa Agosto 29 na gaganapin sa Jack Restaurant, Trinidad, Benguet.
Ang dating Ifugao gobernador Gualberto Lumauig ang keynote speaker habang si CCW Chairman Jose Malvar Villegas Jr. naman ang guest speaker.
Ayon kay Balicdan si dating congressman Lumauig ang co-author ng batas na bumuo sa Cordil-lera Autonomous Region na naglaon ay naging CAR.
Si dating Philippine ambassador to Italy Jose Romero Jr., ekonomista sa University of Asia and the Pacific (UA & P), naman ay magsasalita ukol sa magna carta ng Mus- lim Mindanao, nagpatibay sa BBL bersyon ni Marcos.