^

Metro

Kelot sinalvage, isinilid sa garbage bag

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang hubo’t-hubad na bangkay ng lalaki na tad­tad ng saksak ng icepick ang katawan ang natagpuang nakasilid sa isang itim na garbage bag at itinapon sa madilim na bahagi ng Nia Road sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Invesitgation Detection Unit (CIDU), ang biktima na walang pakakakilanlan ay isinalarawan sa pagitan ng edad na 25-30,  may taas na 5’1”, may mga tattoo sa katawan tulad ng “Federico Dasig, “Cesar Macao”, “Raprap” at “Onyok”.

Bukod sa tinamong mga saksak, nakabalot pa ng packaging tape ang mukha ng biktima na may nakapatong na kulay puting tuwalya. Nakagapos din umano ang mga kamay nito.

Sabi ni PO2 Jogene Her­nandez, maaring sa ibang lugar pinaslang ang biktima, tulad ng ilang biktima ng salvaging at itinapon lamang sa lugar para iligaw ang kanilang pagsisiyasat.

Sa imbestigasyon, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang  madiskubre ng dalawang saksing binatil­yo ang biktima habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa kahabaan ng Edsa sa kanto ng NIA Road, Brgy. Pinyahan, sa lungsod.

Hinala ng mga awtoridad na posible umanong kapapatay lamang ng biktima  bago ito nadiskubre  dahil sariwa pa umano ang dugo na umaagos mula sa mga sugat ng saksak nito sa kanyang dibdib.

Patuloy naman nagsa­sagawa ng follow-up investigation ang mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ang posibleng may kagagawan ng krimen.

ACIRC

ANG

BIKTIMA

BRGY

BUKOD

CESAR MACAO

EDSA

FEDERICO DASIG

JOGENE HER

NIA ROAD

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESITGATION DETECTION UNIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with