MANILA, Philippines – Bumabandera ang pangalan ni Manila 5th District Congressman Amado Bagatsing bilang pinakamabango sa mga tatakbong alkalde sa Lungsod ng Maynila ngayong darating na 2016 election.
Batay sa nakalap na datos buhat sa isang source, mula umano sa isinagawang latest survey ng isang Political Party, kung ngayon gagawin ang eleksyon sa pagka-mayor sa Maynila, pipiliin ng mga Manilenyo ang three termer Congressman na si Bagatsing bilang alkalde ng lungsod kumpara kina dating Mayor Alfredo Lim, incumbent Mayor Joseph “Erap” Estrada, at incumbent Vice-Mayor Isko Moreno.
Sa kabuuan, nakakuha umano si Bagatsing ng 32%, habang 24% kay Lim, 22% kay Estrada, 8% kay Moreno at ang 14% na natitira ay nagsabing “undecided”.
Nito ring nakalipas na Linggo, inamin rin ng dalawang bete-ranong political consultants mismo ni Estrada na sa pinakahu-ling mayoralty survey na ginawa ng kampo ni Erap, lumabas na pumapangatlo lamang si Erap kasunod ni Lim habang si Moreno ay lumanding din sa panghuling pwesto.
Samantala, ayon sa isang beteranong political analyst at Polytechnic University of the Philippines College of Law Dean Atty. Gemy Lito L. Festin, hindi na umano kataka-taka ang resulta ng mga survey. Anito, ang pagbulusok pababa ng ratings nina Lim at Estrada katulad na lamang ng patuloy na kahirapan na nararamdaman ng mga Manilenyo, ang isyu ng Torre de Manila, ang isyu sa pagsasapribado ng mga palengke, ang pagkakaroon ng bayad sa mga pampublikong ospital sa lungsod, at marami pang iba.