Lider ng carnapping group timbog

Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Matapos ang 19-taong pagtatago sa batas ay nada­kip na rin ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) ang sinasabing lider ng ki-labot na carnapping group na nag-ooperate sa bayan ng San Juan, Marikina, Mandaluyong at Pasig City.

Kinilala ni Senior Supt. Elmer Jamias, director ng EPD ang suspek na si Edgar Tuazon, 42, ng Brgy. Kapasigan, Pasig City.

Si Edgar ay siyang itinuturong lider ng ‘Tuazon carnapping and robbery hold-up group’ na matagal ng wanted sa mga awtoridad.

Nadakip si Tuazon sa Brgy. San Jose, Pa­sig City ganap na alas-10:30 ng umaga kahapon sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng San
Juan City RTC Judge Mariano Umali dahil sa kasong carnapping.

Bukod sa carnapping   case ay may warrant arrest din si Tuazon sa kasong robbery hold-up sa korte na may petsang September 30, 1996.

Nabatid ni Supt. Jamias na ang grupo ni Tuazon ang siyang nasa likod ng nagaganap na carnapping at jeep, bus at taxi robbery sa area ng EPD.

Show comments