MANILA, Philippines – Apat na kalalakihang sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga ang nasakote ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operation sa Tondo, Manila at Caloocan City, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr., nakilala ang mga nadakip na sina Mavil Abbo, alias Mabelle/Bayot, 25; Alikhar Alhari, alyas Bikong ; at Darcy Raymundo, 40, at isang 17-anyos na dalagita.
Ayon kay Cacdac, sina Abbo at Alhari ay naaresto ng mga tropa ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa pamumuno ni Director Erwin Ogario, sa isang buy-bust operation sa harap ng Abad Santos LRT Station along Rizal Avenue, Tondo, Manila, ala -1 ng hapon kung saan nasamsam sa kanila ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng tinatayang aabot sa P100 gramo ng shabu.
Habang sina Raymundo at ang dalagitang 17-anyos ay naaresto sa BMBA, 4th Avenue, Caloocan City ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3) sa pamumuno ni Director Gladys Rosales sa isang banyo sa loob ng isang supermarket sa lungsod ng Caloocan, ganap na alas- 6:30 ng gabi.
Nasamsam sa mga ito ang 50 gramo ng shabu na may market value na P140,000.