MANILA, Philippines – Namumuro nang makansela ang prangkisa ng Valisno Express Liner na dito namatay ang apat na pasahero sa naganap na aksidente noong August 12 lungsod Quezon.
Ito ayon kay Atty. Ariel Inton, boardmember ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ay bunga na rin ng pagkabigo ng may -ari ng bus company para makapagpaliwanag kaugnay ng naganap na aksidente.
Kahapon, sa ikalawang patawag na hearing ng LTFRB para sa Valisno bus, ay muling hindi sumipot ang may ari nito. Tanging lumutang sa pagdinig ang abogado ng kompanya bitbit ang medical certificate ng may-ari na nagsasabing ito umano ay maysakit.
Sinabi ni Inton na inisnab naman ng LTFRB board ang medical certificate dahilan sa hindi nila tinatanggap ang dokumento sa ikalawang pagkakataon nang pagtawag.
“Hindi namin tinanggap yung medical certificate at dahil wala na naman ang owner ng Valisno ay submitted for resolution na ito , reresolbahin na ng board ang isyu at nakikitang mabibigyan ng karapatang parusa ang owner ng bus company”, pahayag ni Inton.
Sinabi din ni Inton na hindi rin siya naniniwala na credible ang naireport ng bus company na walang nag-positive sa drug test sa lahat ng mga driver.
“Wala akong paniwala na walang nagpositibo sa droga at isolated lang ang nangyari sa driver na si Goerge Pacis na poitibo sa drug test nung naganap ang aksidente, unang una sila mismo ang nagsagawa ng drug test ”, pahayag ni Inton.
Inanunsyo din ni Inton na maaari nang makuha ng qualified beneficiary ng kapamilya ng apat na namatay sa Valisno bus accident ang tig P150,000 na insurance benefits mula sa PAMI. Mayroon din anyang kaukulang benepisyo na matatanggap ang mga nasugatan sa aksidente.
Nananatili din umanong suspendido ang operasyon ng buong fleet ng Valisno Express na may 62 units matapos maganap ang naturang aksidente.