^

Metro

2 BI officer, Korean sabit sa extortion

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inireklamo ng isang liai­son officer ang dalawang ta­uhan ng Bureau of Immigration (BI) na bumitbit at nangotong sa kanya ng halagang P50,000 noong Agosto 13.

Nagtungo sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) si Nilo Mendiola, 41, liaison officer ng Wayfair Tours upang ireklamo sina Per­petuo Macasa Jr., investigator ng Civil Security Unit ng BI; Tootsie Magcalas, deputy supervisor ng Head Operations ng BI; at Koreanong si Park Dae Dong.

Ayon kay Mendiola, nag­hain siya ng reklamo sa pu-­lis­ya dahil sa pangambang muli siyang arestuhin at hi­ngan pa ng kakulangang P190,000 ng dalawang BI officer. Paliwanag ni Mendiola wala umano siyang partisipasyon sa rek­lamo ni Park.

Sa salaysay ni Mendiola, noong Agosto 13 dakong alas-4 ng hapon nang dalhin siya  ng dalawang BI officer sa Civil Se­curity Unit office kaugnay sa reklamo umano ni Park na kinunan siya ng P200,000 ng isang ‘Gaudencio Aquino’  para sa pagproseso ng visa.

Sa kabila umano ng pag­tanggi na wala siyang kinalaman sa transaksiyon ng da­yuhan, sinabihan siya na ma­­­ku­kulong kung hindi magbaba­yad ng P100,000.

Noon pa umanong Abril 3, 2014 ang reklamo ni Park laban kay Aquino at wala siyang partisipasyon at katunayan aniya, ay nakapag-renew na siya ng accreditation permit dahil wala siyang kinasasang­kutang reklamo. Balido umano ang permit hanggang Hunyo 30, 2016.

Subalit dahil na rin sa takot at harassment, napilitan  si Mendiola na magbigay ng  P50,000 kung saan Agosto 20 naman niya dapat na ibigay ang P100,000 at karagdagang P90,000 sa Setyembre 3.

ACIRC

AGOSTO

BUREAU OF IMMIGRATION

CIVIL SE

CIVIL SECURITY UNIT

GAUDENCIO AQUINO

HEAD OPERATIONS

MACASA JR.

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

MENDIOLA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with