^

Metro

Inang nanakit ng sanggol hawak na ng PCSWD

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa custody ng Pasay City Social Welfare Department (PCSWD) ang ina, na nakita sa video na sinasaktan nito ang kanyang bagong silang na sanggol sa isang ospital sa Pasay City.

Ayon  kay Rosalinda Orobia, hepe ng Pasay City SWD, nasa custody  na nila ang ginang at iniimbestigahan na rin nila ang insi-dente matapos maging viral sa social media ang video hinggil sa pananakit nito. Pansamantalang hindi pina-ngalanan ang ina.

Nabatid kay Orobia, ang naturang ginang ay kanilang isasailalim sa psychological evaluation at sa oras na napatunayan na may diperensiya  ito sa pag-iisip ay kanila itong iti-turn-over sa National Center for Mental Health (NCMH).

Sinabi ng naturang opis-yal, na  noong Agosto 18 (Martes) ng umaga nang isilang ng ina ang sanggol.

Kinabukasan ay nakita ito sa video na kung saan pi­nagsasampal nito ang bagong silang na anak habang sila ay naka-confine sa Pasay City General Hospital (PCGH).

Hindi pa rin binanggit  kung ano ang kasarian ng sanggol at ayon kay Orobia,  ibibigay nila ito  sa pamilya ng ginang at kung  wala namang kumuha ay kanila itong dadalhin sa Children Reception Center ng DSWD sa Quezon City.

ANG

CHILDREN RECEPTION CENTER

MENTAL HEALTH

NATIONAL CENTER

NBSP

OROBIA

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

QUEZON CITY

ROSALINDA OROBIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with