MANILA, Philippines – Umaabot sa libong residente ng Baseco Compound ang nabigyan ng pagkaka-taon na makapagparehistro ng kanilang birth certificate ng libre.
Sa “Operation Right Birth” na isinagawa ng Civil Registry Office sa pangunguna ng hepe nitong si Joey Cabreza at ng Philippine Statistics Office na iparehistro ang mga batang matagal nang naipanganak.
Ayon kay Cabreza, malaking tulong ito sa bawat pamilya na hindi maiparehistro ang kanilang mga anak dahil na rin sa babayaran. Nagkakahalaga ang bawat registration ng birth certificate ng P140.
Paliwanag ni Cabreza, isa ito sa mga proyekto ni Manila Mayor Joseph Estrada na linisin ang bilang bawat pamilya at siguraduhin na ang lahat ay may birth certificate.
Layon din ni Cabreza na gawin ang libreng birth certificate sa ilan pang mga distrito sa Maynila upang matiyak ang bawat miyembro ng pamilya.
Samantala, binigyan diin ni Cabreza na ipinatutupad niya ang ‘open door policy’ sa kanyang tanggapan kung saan lahat ay maaaring dumirekta sa kanya kung may reklamo sa serbisyo o kanyang mga tauhan.
Dagdag ni Cabreza, mas nais niyang umaalis ng CRO ang bawat isa ng may ngiti na indikasyon na naserbisyuhan sila ng maayos ng city hall.