^

Metro

Sa pagkapatay sa lider at pagkaaresto sa galamay: Gun-for-hire group sa CAMANAVA, titiklop

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nalansag na ang isa sa kinatatakutang “gun-for-hire group” na kumikilos sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Na­votas, Valenzuela) sa pagkakapaslang sa lider nito at sa pagkakaaresto sa lima pa kabilang ang dalawang menor-de-edad sa naganap na operasyon nitong Miyerkules ng hapon sa Malabon City.

Sinabi ni Malabon Police-Investigation and Detective Management Branch head, Chief Insp. Rey Medina na bukod sa pagkakasangkot sa operasyon ng iligal na droga at robbery hold-up, sangkot rin sa “gun-for-hire” ang grupo ng napaslang na si Jong Sangre, alyas Cobra.  Sinusuri umano nila ngayon ang pagkakasangkot ng grupo sa maraming insidente ng pamamaslang ng riding-in-tandem sa CAMANAVA.

Sinampahan na rin kahapon ng Malabon Police ng patung-patong na kasong “direct assault upon person in authority, trespass to dwelling, at illegal possession of firearms” ang mga naarestong miyembro ng grupo na sina Danton Ramos, 29; Robert De­lantar, 22; at Joselito Gerosanib, 22, na pawang nakaditine na sa Ma­labon detention cell.

Ang dalawang menor-de-edad na may gulang na 16 at 15 anyos ay ipinasa naman sa kustodiya ng lokal na Social Welfare and Development bilang mga “children in conflict with law (CICL)”.  Nabatid na lahat ng suspek ay mga residente ng Gozon Compound, Brgy. Tonsuya, Malabon City.

Matatandaan na nagkaroon ng habulan ang pulisya sa Na­votas City hanggang sa Pampano Street Brgy. Longos, Malabon kamakalawa ng tanghali hanggang sa pasukin ng mga armadong suspek sa pangugnuna ni Sangre ang bahay ni  Erika Isabida.

Rumesponde sa insidente ang mga tauhan ng Malabon Police­ Special Reaction Unit ngunit agad na sinalubong sila ng putok sanhi para tamaan si PO1 Nixon Ponchinian sa kanang paa ng bala. Nang mapasok ang bahay, napaslang ng mga pulis si Sangre­ habang agad na nagsisuko ang mga kasamahan.

Samantala, ginawaran naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) acting Regional Director, Chief Supt. Joel Pag­dilao si Ponchinian ng medalya dahil sa kagitingan sa pagres­ponde sa insidente. Ibinigay ang parangal sa isang simpleng sere­monya sa multi-purpose hall ng Northern Police District head­quarters kahapon.

ACIRC

ANG

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

DANTON RAMOS

ERIKA ISABIDA

GOZON COMPOUND

JOEL PAG

MALABON CITY

MALABON POLICE

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with