^

Metro

2 pulis-Maynila nagbarilan: 1 kritikal

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang pulis na naka­talaga sa Manila Police District (MPD) ang nagbarilan kung saan isa ang nasa malubhang kalagayan matapos mabaril sa ulo sa Tondo, Maynila, ka­ha­pon ng umaga.

Sinabi ni Senior Supt. Ro­­mulo Sapitula, Chief District Directorial Staff ng MPD, isang tama ng bala sa kanang bahagi ng ulo na tumagos sa kaliwa ang tinamo ni PO2 Law­rence Sagum, residente ng Coral St., Tondo, at naka­talaga sa MPD-Station 7.

Pinaghahanap na ang tu­­makas na suspek na si PO1 Isagani Jimenez Jr., kapitbahay ng biktima at kaibigan pa ni Sagum na nakatalaga sa MPD-Station 11.

Sa ulat ni SP02 Christopher Logoy na isinumite kay P/Supt. Joel Villanueva, hepe ng MPD Station 7, dakong alas-9:00 ng umaga nang ma­ganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Dagupan St., malapit sa panulukan ng Tayuman St., sa Tondo.

Ayon sa isang testigo, kapwa umano nakasakay sa kani-kanilang motorsiklo ang dalawang pulis kung saan nakita niyang nagbarilan na lang basta ang mga ito.

Una umanong nabaril sa braso ang isa na kinilalang si PO1 Jimenez.

Nang ma-out of balance sa motorsiklo si PO2 Sagum ay tumimbuwang kaya ang hawak nitong baril ay tumi­la­pon kung saan nagkaroon naman ng pagkakataon si PO1 Jimenez na lapitan siya at ba­rilin sa ulo bago humarurot papalayo.

Patuloy pang iniimbestigahan ang naturang insidente para matukoy ang motibo sa pagbabarilan ng mga ito.

Sa nakalap na impormas­yon, ang dalawang sangkot na pulis ay magkamag-anak at sa iisang lugar lang nakatira. Sila din ay kapwa anak ng dating mga pulis-Maynila.

Lupa ang sinasabing ugat ng matandang alitan ng dalawang pulis na nagsimula pa sa kanilang mga magulang.

Si Sagum ay anak umano ni PO3 Luis Sagum na napa­tay sa harap ng Emerald Building­ sa Rizal Avenue, malapit sa LRT Carriedo Station, Sta. Cruz, Maynila dakong alas-9:45 ng gabi noong Pebrero 8, 2011.

Siya ay dead on the spot matapos tagain sa ulo ng pambukas ng buko at putol pa ang 3 daliri.

ACIRC

ANG

CARRIEDO STATION

CHIEF DISTRICT DIRECTORIAL STAFF

CHRISTOPHER LOGOY

CORAL ST.

DAGUPAN ST.

EMERALD BUILDING

ISAGANI JIMENEZ JR.

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with