Emergency rescue equipments, ikakalat ng MMDA
MANILA, Philippines – Nasa 20 container vans na naglalaman ng emergency rescue equipment ang inihahandang ipakalat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga strategic na lugar sa Kalakhang Maynila para paghandaan sakaling tamaan ito ng lindol.
Ang naturang disaster response equipment-filled storage units o DREFSU ay naglalaman ng iba’t-ibang tools at personal safety equipment na maaaring gamitin sa pagligtas o pagsagip sa mga taong maaaring ma-trap sa guguhong straktura oras na tamaan ng lindol ang Metro Manila.
Sa pag-aaral ng Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS), lumilitaw na sa oras na tumama ang 7.2 magnitude na lindol, karamihan sa magiging casualties ay mula mga gumuhong gusali.
Ang mga bagong set ng 20 container vans ay bilang karagdagang sa 22 kasalukuyang container vans na nakapwesto sa mga strategic na lugar tulad ng EDSA, panulukan Roxas Boulevard, EDSA Ortigas Avenue; Balintawak-Cloverleaf; Tandang Sora Avenue; Navotas, Valenzuela; Abad Santos at Nagtahan sa Maynila.
Nabatid na regular umanong nagsasagawa ng inspection at inventory ang MMDA Public Safety Division upang masiguro na ang equipment ay nananatiling intact sa loob ng container vans.
Ang pre-positioning ng disaster response storage units ay bahagi pa rin ng Oplan Metro Yakal Earthquake Response Plan ng MMDA, na dito ay magkatuwang ang MMDA, local government units, Metro Manila Risk Reduction and Management Council at iba pang grupo sa pagkilos oras na may mangyaring sakuna o kalamidad sa Metro Manila.
- Latest