^

Metro

Bago pa ang November deadline Pandacan oil depot baklas na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bilang bahagi ng napagkasunduan, unti-unti nang ti­na­tanggal ng tatlong mala­laking kompanya ng langis ang ka­nilang mga storage tank sa Pandacan oil depot.

Kahapon ay personal na   binisita nina Manila Mayor Jo­seph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno ang terminal ng Shell, Chevron (Caltex) at Petron kasama ang kani-kanilang mga opisyal.

Unang  tinungo ang Shell na tatlong storage tank na ang  natatanggal at 11 sto­rage­ tank pa ang kailangan na ma­alis bago ang deadline sa Nobyembre.

Ayon naman sa Chevron, umaabot na sa 40 porsiyento­ ang  nababaklas nila sa kani­lang terminal kung saan sa Batangas Terminal naman dinala ang kanilang mga supply.

Tiniyak din ng  Chevron na matatapos nila ang pagbabaklas at pag-aalis ng mga pasilidad  sa Nobyembre alinsunod sa  utos ng  Korte Suprema.

Iba naman ang status ng Petron kung saan wala nang mga storage facilities na  dapat alisin. Pawang mga plate na lamang nasa terminal na nakatakdang hakutin sa mga susunod na araw.

Dinala na nila ang kanilang mga supply sa Cavite at Na­votas.

Sinabi ni Ramon Ang,  Chairman at CEO ng Petron Corporation na 100 porsi­yento nang nakapag-comply ang Petron sa dismantling ng mga pasilidad kung saan mananatili lamang ang kanilang mga  clinic na maaaring gamitin para sa X-ray, ECG at ultrasound sa mga residente sa paligid nito.

Posible ding idevelop­ ang lugar sa food manu­fac­turing­ kaya’t kailangan la­mang na matiyak na walang matitirang mga gasolina o kemikal sa lugar. Matatandaang limang taon nang inutos ng  Korte Suprema ang paglilipat ng ‘Big 3’ kaya’t inaasahang wala na ang mga ito sa Enero 2016.

 

ACIRC

ANG

BATANGAS TERMINAL

KORTE SUPREMA

MANILA MAYOR JO

MGA

NBSP

NOBYEMBRE

PETRON

PETRON CORPORATION

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with