^

Metro

MMDA hugas kamay sa problema sa trapiko?

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mistulang naghugas-kamay ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa tumitinding problema sa trapiko sa Kamaynilaan makaraang ituro ang kakapusan sa “rail transit system” at maraming mga aksidente na siyang dahilan ng nararanasang perwisyo sa kalsada.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na  ang pagiging huli ng bansa sa “mass rail transit system” ang isa sa dahilan kung bakit hindi makayanan ng mga pampublikong sasakyan ang napakaraming pasahero sa Metro Manila.

“Kailangan talagang ma-modernize ang mass transit system, malayo pa tayo in terms of railroad connection.  Iyon po talaga ang makapagpapagaan sa ating trapik,” ani Tolentino.

Isa pang dahilan na tinukoy nito ang lumobong bilang ng sasakyan sa bansa dahil sa patuloy na pagbili ng mga bagong kotse lalo na sa mga pribado habang hindi naman natatanggal sa kalsada ang mga luma nang sasakyan.

Itinuro naman ni Tolentino sa naitalang 40 kabuuang aksidente sa kalsada sa ma­tinding pagbubuhol sa trapiko nitong nakalipas na linggo.

Sa kabila nito, inamin ni Tolentino na nasa Cebu ang 59 nilang tauhan upang tumulong umano sa Asia Pacific Economic Forum (APEC) sa halip na mamahala ng trapiko sa Metro Manila.

ACIRC

ANG

ASIA PACIFIC ECONOMIC FORUM

CEBU

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

ISA

ITINURO

IYON

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with