^

Metro

Prangkisa ng Valisno, kanselahin-MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na kanselahin sa halip na suspindihin ang prangkisa ng Valisno Express Bus matapos ang malagim na aksidenteng kinasangkutan nito sa Quezon City.

Sinabi ni Tolentino na napakalaki ng pananagutan ng operators ng mga pampublikong sasakyan sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero kaya nararapat na mataas na parusa ang ipataw.

Ani Tolentino, na walang karapatang magmaneho ang mga tsuper na lulong sa iligal na droga at hindi naaawat ng kanilang mga operators.

Maaaring may pagkakamali rin umano sa “engineering design” ng kalsada dahil sa mga makikitid na kurbada at kawalan pa ng sapat na signages na dahilan rin ng aksidente bukod sa “reckless driving”.

Idinagdag pa nito na sa Pilipinas, nakikita na mada­ling bumili ng sasakyan at kumuha ng mga driver ang mga operators pero malaki ang obligasyon ng mga ito.

Sa implementasyon naman ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act o Republic Act 10586, sinabi nito na maaari namang magsagawa ng “drug at liquor test” ang MMDA sa mga tsuper ngunit wala pang naiisyu na “standard breath analyzer” ang pamahalaan sa kanilang mga traffic enforcers.

ACIRC

ANG

ANI TOLENTINO

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DRIVING ACT

IDINAGDAG

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MGA

QUEZON CITY

REPUBLIC ACT

VALISNO EXPRESS BUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with