150K ayuda ng LTFRB sa mga biktima ng Valisno bus
MANILA, Philippines — Magpapaabot ng pinansyal na tulong ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pamilya ng mga nasawing pasahero ng Valisno bus na naaksidente kahapon sa lungsod ng Quezon.
Ayon kay LTFRB public information officer Mary Ann Salada, bahagi ito ng Passenger Personal Accident Insurance Program kung saan kailangan magbigay ng tulong pinansyal sa pamilya ng mga biktima ng aksidente sa kalsada na kinabibilangan ng public utility vehicles.
Bukod sa pamilya ng apat na nasawi, makakatanggap din ng pinansyal na tulong ang 18 pasahero na nagtamo rin ng sugat matapos bumangga sa poste ang bus bandang alas-6 ng umaga.
Ipinatupad ngayong Miyerkules ang suspensyon sa 62 units ng Valisno bus company.
Kinakailangan din sumailalim sa road safety training at drug test ang lahat ng driver ng kompanya.
- Latest