^

Metro

Metro Manila binaha na naman

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagdulot ng masikip na daloy ng trapiko matapos bahain ang ilang lansangan sa Kalak­hang Maynila sanhi ng mala­kas na buhos ng ulan kahapon. Base sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), gutter deep ang baha sa may area ng East Avenue  sa harapan ng Kidney Center, East at Westbound. Gayundin ang  EDSA, Quezon­  Ave­nue Northbound.  Hanggang baywang naman ang lalim ng tubig baha sa Magallanes, Pasong Tamo sa Makati City kung  kaya’t hindi nadaanan ng lahat ng uri ng sasakyan bukod pa sa nag­dulot rin ito ng matinding trapik.

Dahil dito’y nagmistulang paradahan ang kahabaan ng South Luzon Expressway ng may tatlong oras. Nabatid, na gutter deep din ang bahagi ng EDSA Northbound sa kahabaan ng Orense, Makati City. Sa Pasay, ang Andrews Avenue, Ter­minal 3 eastbound, NAIA ay gutter deep din. Habang sa Pasig, ang bahagi rin ng EDSA South and Northbound Shaw tunnels ay gutter deep. Nabatid, na una nang naglabas ang PAGASA ng thunderstorm warning sa Metro Manila at kalapit na pro­binsiya alas-9:00 na kung saan bumuhos ang ulan hanggang tanghali.

ACIRC

ANDREWS AVENUE

ANG

EAST AVENUE

KIDNEY CENTER

MAKATI CITY

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NABATID

NBSP

PASONG TAMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with