^

Metro

Driver nagbaril o binaril?

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ngayon ng mga tauhan ng Malabon City Police kung sadyang nagpatiwakal ang isang pedicab driver o kung sinadyang paslangin ito makaraang matagpuang patay at may tama ng bala sa loob ng nirerentahang kuwarto, kahapon ng umaga sa naturang lungsod. Nakilala ang nasawi na si Rolando Lunday, 43, at naninirahan sa P. Concepcion, Brgy. Tugatog, ng naturang lungsod. Nagtamo ang biktima ng tama ng bala buhat sa isang kalibre .9mm pistol at 12 gauge shotgun sa ulo at katawan. Sa ulat, dakong alas-7 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto ng mga residente. Bago ito, nabatid na nag-away si Lunday at ang live-in partner nito na si Marletta Quianzo kamakalawa ng gabi.  Lumayas umano ng bahay ang babae saka nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril pasado alas-10 ng gabi. Kinabukasan na nang magkalakas-loob ang mga residente na puntahan ang kuwarto ng biktima at madiskubre ang bangkay ni Lunday. Sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives ( SOCO ),  nakuha sa lugar ng krimen ang tatlong cartridge at dalawang basyo ng bala ng .9mm pistol at dalawang bala ng 12mm gauge shotgun at 4 shotgun pellets. Ipinagtataka rin ng mga imbestigador kung bakit nakakandado gamit ang kadena at padlock ang kuwarto ng biktima buhat sa labas. Isasailalim naman sa otopsiya sa PNP Crime Laboratory ang labi ng biktima upang mabatid ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito.

ANG

BRGY

CONCEPCION

CRIME LABORATORY

INIIMBESTIGAHAN

IPINAGTATAKA

LUNDAY

MALABON CITY POLICE

MARLETTA QUIANZO

ROLANDO LUNDAY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with