^

Metro

Rambol sa videoke: 1 utas sa pulis

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki makaraang mabaril ng isang pulis, habang dalawa pa ang sugatan nang sumiklab ang isang rambol sa loob ng isang videoke bar dahil sa asaran sa pagkanta, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nakilala ang nasawi na si Carlo Duras, 27, ng Valenzuela City, habang sugatan naman sina Raymond Sotea, 27, at ang 64 na si Valentino Yanga.

Sumuko naman sa Ma­labon City Police ang nakabaril na si PO3 Addrich Reagan De Leon, nakatalaga sa Warrant and Subpoena Section ng Malabon Police. Pinaghahanap pa ang ibang sangkot sa kaguluhan kabilang si Loel Martin, at isang hindi pa naki­kilalang lalaki.

Sa inisyal na ulat, umi­inom sa loob ng GTO Videoke Bar sa may Rivera St., Brgy. Tinajeros, ang grupo ni Yanga, kasama ang isang Ramon Saraguno at alyas  Ike  dakong alas-11 ng gabi nang atakihin umano sila ng grupo ni Durias kasama naman sina Sotea, Martin at isa pa dahil sa asaran sa pagkanta.

Rumesponde naman sa naturang bar si PO3 De Leon nang hingan ng saklolo ng isang residente. Sa kabila nito, pinagtulungan umano ng mga suspek ang pulis. Tangkang sasaksakin umano ng   suspek na si Durias ang pulis na nang makahulagpos ay binaril sa sikmura ang suspek.

Agad na isinugod sa pa­gamutan si Durias na idineklarang dead-on-arrival maging ang mga sugatang sina Yanga at Sotea ay binugbog naman umano ng taum­bayan.

ACIRC

ADDRICH REAGAN DE LEON

ANG

CARLO DURAS

CITY POLICE

DE LEON

DURIAS

ISANG

LOEL MARTIN

MALABON CITY

MALABON POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with