^

Metro

Malimilitahan na raw ang mahabang pila, aberya: 48 bagong tren ng MRT-3 darating na!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Department of Transportation and Communication (DOTC) na darating na sa bansa ang 48 bagong tren na gagamitin sa pagpapabuti ng operasyon at serbisyo sa halos kalahating milyong pasahero araw-araw ng Metro Rail Transit (MRT-3).

Ayon kay DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya, kung hindi magkakaroon ng pagbabago ay sa araw ng Sabado (August 15) darating ang 48 bagong prototype na tren na binili sa ibang bansa.

Sinabi ni Abaya, ang nasabing mga tren ay nagkakahalaga ng P3.8 bilyon na binili sa Dalian Locomotive and Rolling Stock Group sa bansang China.

Aniya, sa sandaling duma­ting na ang mga bagong tren ay  ipapatupad ng MRT-3 ang four-car train system upang matiyak na lahat ng tren ay darating sa mga istasyon tuwing ika-2.5 minuto kung peak hours o rush hour.

Naniniwala si Abaya na ang mga karagdagang tren ang siyang tanging solusyon sa mahabang pila ng mga commuters araw-araw sa mga istasyon ng MRT-3 maging sa madalas na aberya dito. Sa ngayon, ani Abaya ay puspusan ang mga ginagawang pagkukumpuni sa mga barado at sirang CR, escalator, elevator at sirang riles ng MRT-3.

Inihayag pa ni Abaya, sa susunod na buwan ay ipa­patupad na nila ang bagong  fare collection system  at hindi na kailangan pang dumaan sa mahabang pila ang mga pa­sahero upang makapasok at makasakay lamang ng MRT-3.Anang kalihim, napakahalaga ang ginagawa nilang aksiyon para maresolba ang problema sa MRT-3.

ABAYA

ACIRC

ANANG

ANG

ANIYA

DALIAN LOCOMOTIVE AND ROLLING STOCK GROUP

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

INIHAYAG

JOSEPH EMILIO ABAYA

METRO RAIL TRANSIT

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with