Hall Of Fame Award sa nutrional program nasungkit: Malnutrisyon sa Taguig, bumaba
MANILA, Philippines – Matapos na magkamit ng iba’t ibang citation sa pagpapatupad ng mga nutrional programs, ginawaran ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig ng ‘Pabasa sa Nutrisyon Hall of Fame Award ‘para sa taong 2015 ng Philippine Association of Nutrition (PAN).
Ayon sa mga opisyal ng PAN, ang hall of fame award ay pagkilala sa nagawa ng government at non-government organizations sa lipunan sa mga nagdaang taon.
Kasabay nito, kinilala din ang galing ng pamahalaang lungsod ng Taguig matapos na maibaba sa 1 porsiyento ang malnutrisyon sa loob ng halos isang taon.
Matatandaang iginawad ng National Nutrition Council-National Capital Region (NNC-NCR), noong 2014 Regional Nutrition Awarding Ceremony noong nakaraang taon ang Green Banner Award matapos na maitala ang 0.88 percent para sa 2014 kumpara sa 1.38 percent noong nakaraang taon sa kaso ng malnutrition. Ang Green Banner award ang pinakamataas na pagkilala sa LGU hinggil sa pagpapatupad at pamamahalang nutrition programs.
“We are again proud of this award. It is not everyday that we do get to honor our people for the exemplary job that they do for their fellow Taguigenos,” ani Mayor Lani Cayetano.
Ang nasabing parangal ay indikasyon lamang na natupad ng pamahalaang lungsod ang kanilang responsibilidad na labanan ang malnutrisyon lalu na sa mga ina at bata.
- Latest