MANILA, Philippines - Nagmatigas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na may otoridad sila na magpatupad ng Anti-Smoking Campagin at manghuli ng mga lumalabag nito sa mga pampublikong lugar makaraang pagbawalan sila kamakailan ng Court of Appeals.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino na malinaw sa kanya na binigyan sila ng “deputization” ng Department of Health (DOH) at ng mga local government units (LGUs) para magpatupad ng programa sa Anti-Smoking.
Para umano sa kanila, walang legal na basehan ang naturang desisyon ngunit pag-aaralan pa umano ang isyu ng Office of the Solicitor General (OSG) at kanilang legal partners para sa susunod nilang hakbang sa isyu.
Matatandaan na nitong Hulyo 31, nagdesisyon si Associate Justice Maria Elisa Sempio-Diy, ng 12th Division ng Cana hindi kabilang ang MMDA sa mga ahensya ng pamahalaan na may otoridad para ipatupad ang Republic Act 9211 o ang Tobacco Regulation Act of 2003.
Sa ilalim ng naturang batas, tanging ang Inter-Agency Committee-Tobacco na binubuo ng mga kalihim na Department of Trade and Industry (DTI), Department of Health, Department of Agriculture, Department of Justice, Dept. of Environment and Natural Resources, Dept. of Science and Technology at Dept. of Education lamang ang may kapangyarihan na ipatupad ang mga probisyon nito.