MANILA, Philippines - Ikinasa sa Sangguniang Panglungsod ng Quezon City ang isang ordinansa para ipasara ang mga garahe at terminal ng provincial bus.
Sa inihaing ordinansa ni Quezon City District 2 Councilor Ramon Medalla, isinaad nitong napagtuklasan na walang prangkisa ang provincial buses na dumadaan sa lungsod kaya’t ilegal na maituturing ang mga bumibiyahe rito.
Wala rin umanong permit ang mga bus kaya ilegal ang mga terminal nito sa EDSA gayundin ang mga garaheng nasa loob pa ng mga subdibisyon.
Nagdudulot lang umano ng matinding trapik ang nasa 7,000 provincial buses gayong hindi dapat bumibiyahe ang mga ito sa lungsod.