Anak, binu-bully, tambay patay sa bayaw

MANILA, Philippines – Dahil sa pananakit sa kanyang anak tuwing malalasing,  isang-49-anyos na tambay  ang napatay ng kanyang  bayaw, kamakalawa ng  hapon  sa Paco, Maynila.

Dalawang saksak sa katawan ang ikinamatay ni Jesus Reyes ng Int. 1 Burgos St., Paco. Idineklara itong dead-on-arrival sa Philippine Geneal Hospital (PGH).

Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang  pulisya laban sa itinuturong suspek na si Ramil Banta, 36, ng nasabi ring lugar.

Sa ulat ni SPO2 Donald Panaligan, ng Manila Police District-Homicide Section naganap ang insidente dakong alas-3:15 ng hapon sa loob ng bahay ng biktima at ng suspek.

Ayon sa saksing si Michelle Cerezo narinig niyang sumisigaw ang suspek habang kausap ang biktima. Nagbitiw ng mga salita ang suspek ng “ma­tagal na akong nagtitimpi sa ’yo”  at kasunod ang dalawang ulit na pananaksak sa huli.

Lumilitaw na matagal nang  may kinikimkim na galit ang  suspek sa biktima dahil sa umano’y pambu-bully ng  huli sa anak ng una  sa tuwing malalasing.

Napapakiusapan lamang umano ang suspek ng kanyang mga  pamilya at kaibigan kaya’t hindi humahantong sa pag-aaway.

Show comments