100 pamilya nawalan ng bahay sa sunog

MANILA, Philippines – May 100 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa Brgy. Tatalon sa lungsod ng Quezon, kahapon ng hapon.

Ayon kay Supt. Jesus Fernandez, fire marshal ng lungsod, ang sunog ay nagsimula sa bahay ng isang Amante Bartolome na matatagpuan sa Duhat St., ng  alas-2:36 ng hapon.

Sabi ni Fernandez, hindi napigilan ng malakas na buhos ng ulan ang sunog dahil nagtuluy-tuloy na ito hanggang sa mga katabing bahay.

Dahil mga gawa lamang sa light materials ang mga bahay ay madaling nilamon ng apoy ang mga ito bago mabilis na nakaresponde ang mga pamatay sunog.

Umabot naman sa ika-4 na alarma ang sunog bago ideklara itong fire out ganap na alas-3:46 ng hapon

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa sunog na tina­tayang nagkakahalaga ng P500,000 ang ari-ariang napinsala. Patuloy ang clearing operation ng BFP sa nasabing sunog para alamin ang sanhi nito.

Show comments