^

Metro

Van tumagilid sa EDSA, 16 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Labing-anim katao ang sugatan makaraang mawalan ng kontrol ang isang closed van at tumagilid habang binabagtas ang kahabaan ng Edsa north bound lane sa lungsod ng Quezon kahapon ng umaga.

Ayon sa Quezon City Police District Traffic Sector 2, ang mga biktima ay agad namang isinugod sa ospital dahil sa tinamong mga galos sa kanilang mga katawan.

Nangyari ang insi­dente pasado alas-9 ng umaga sa naturang lugar partikular sa harap ng isang mall sa lungsod.

Bago ito, tinatahak ng Isuzu closed van (ZSW-122) na minamaneho ng isang Jaymond Deraper ang naturang lugar galing ng Cavite at patungong Muñoz para dumalo sa isang aktibidad ng kanilang relihiyon nang pagsapit sa lugar ay biglang tumagilid ito at sumadsad.

Sa pagtagilid ng van ay naalog sa loob ang may 14 na sakay nito sanhi upang magtamo sila ng mga pasa at galos sa kanilang mga katawan.

Samantala, dalawang rider ng motorsiklo naman ang nadamay matapos na sumemplang dahil sa dulas ng kalsada dulot ng langis na tumagas sa naturang van.

Nagdulot din ng pagsisikip ng daloy ng sasak­yan sa lugar matapos isara ang linya ng kalye para linisin ang tumagas na langis.

Agad namang nagsipagdatingan ang mga rescue team mula sa Bureau of Fire Protection medical services at nilapatan ng paunang lunas bago isugod sa Quezon City General Hospital.

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CAVITE

EDSA

ISUZU

JAYMOND DERAPER

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

QUEZON CITY POLICE DISTRICT TRAFFIC SECTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with