Driver napisak sa minamanehong truck

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang 46-anyos na driver nang umabante ang minamanehong truck habang ina-adjust ang air brake at sa pagtatangkang kontrolin ay sumabit naman sa poste kaya nabangga at naipit ito sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 John Cayetano ng Manila Traffic Enforcement Unit (MTEU), kinilala ang biktimang si Alexander Bulawan, ng Barangay Malapad, Real, Quezon.

Sa naging salaysay ng kaniyang pahinante na si Rene delos Reyes, 50, habang isinasaayos ng driver ang air brake ay biglang gumalaw ang nasabing truck na isang Mitsubishi Fuso Trailer  (ALA 7335) na ipinarada muna.

Inagapan naman umano ng biktima kaya tinakbo ang driver’s seat upang kontrolin ang steering wheel at di umusad subalit hindi siya umabot nang masabit sa poste ng kuryente at tuluyang banggain at maipit ng umaabanteng truck.

 

Show comments