MANILA, Philippines – Balik-Bilibid ang tinaguriang “Bilibid 19” mula sa 8 buwang pananatili sa National Bureau of Investigation (NBI) detention.
Kahapon ng madaling- araw nang ibiyahe ang 17 big-time convicted inmates patungo sa New Bilibid Prison (NBP) dahil nakumpleto na ang paglilipatang Building 14 sa maximum security compound.
Eskort ang mga tauhan ng NBI, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa mga inmates at kasama rin si Justice Secretary Leila De Lima sa paghahatid sa Bureau of Corrections (BuCor).
Kabilang sa 17 ang mga inmates na sina Amin Imam Boratong, Michael Ong, Willy Sy, Noel Martinez, Eugene Chua, Chua Sam Li, Peter Co, Vincent Sy, Joel Capones, Herbert Colangco, Tom Chua, Rommel Capones, Jojo Baligad, Willy Chua, Jacky King Sy at Benjamin Marcelo.
Nananatili pa umano sa Philippine General Hospital (PGH) ang isa sa Bilibid 19 na si German L. Agojo dahil sa rekomendasyon na maiconfine pa ito doon kaugnay sa pagkakaroon ng mild stroke noong nakalipas na Hulyo 11 na hiling din ng abugadong si Atty. Ferdinand Topacio.
Ang isa pa sa 19 inmates ay si George Sy na namatay noong Hulyo 3, 2015 sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) dahil sa colon cancer.