^

Metro

5 ‘tulak’ timbog ng QCPD

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalambat ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang limang suspect, kabilang ang tatlong babaeng tulak ng shabu sa magkakahiwalay na anti-narcotics opera­tions sa lungsod, ayon sa pu­lisya kahapon.

Kinilala ng bagong QCPD director Chief Superintendent Edgardo Gonzales Tinio ang mga suspect na sina Melita De Vera, 36; Angelita Julio, alyas Negra, 35; Veronica De Jesus, 58; Allan Real 35, at Joel Real, 40. 

Ayon kay Tinio, si De Vera ay pang-pito sa drug target ng Masambong Police Station’s (PS-2) Top 7 habang si Julio naman ay nasa Top 10 sa Galas Police Station (PS-11).

Si De Vera ay naaresto ma­­tapos na magbenta ng isang plastic sachet ng shabu sa isang undercover agent sa kahabaan ng Bahawan cor. Munong Street sa Masambong, ganap na alas-10 ng gabi.

Nasamsam mula kay De Vera ang P500 na halaga ng marked money at mga shabu.

 Habang sina Julio at De Jesus ay nadakip naman ng anti-drugs operatives ng Galas Police Station (PS-11) sa kanilang lungga ganap na alas-7:00 ng gabi. Nakuha mula sa mga suspect ang isang plastic sachet ng shabu at ang buy-bust money na halagang P200.00

Ang suspect na Real ay nadakip sa anti-illegal drug operation na ginawa ng Novaliches Police Station (PS-4) ganap na alas-5 ng hapon sa kahabaan ng Gonzales St. Brgy., Nagkaisang Nayon, Quezon City.

Sina De Vera, Julio at De Jesus ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic act 9165 o ang Dangerous Drugs Act of 2002; habang ang mga Reals ay kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at pag­labag sa R.A. 10591 o ang illegal posse­ssion of ammunitions.

vuukle comment

ACIRC

ALLAN REAL

ANG

ANGELITA JULIO

CHIEF SUPERINTENDENT EDGARDO GONZALES TINIO

DE JESUS

DE VERA

DRUGS ACT

GALAS POLICE STATION

GONZALES ST. BRGY

JOEL REAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with