MANILA, Philippines - Pinayagan na ng Quezon City court ang 25 pang police officers na makapaglagak ng piyansa para pansamantalang makalaya kaugnay ng kinasasangkutang Maguindanao massacre case.
Sa apat na pahinang kautusan ni QC RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes, ang hakbang ay pinalabas ng korte matapos mabigo ang prosekusyon na makumbinsi ang korte na makakita ng sapat at matitibay na ebidensiya upang maidiin ang mga ito sa naturang kaso.
“Evidence extant on record will show that they were conducting checkpoint operations and were present near the scene of the crime.
Notably however, these were the only actions attributable to the identified accused members of the 1507th PMG,” nakasaad sa desisyon ni Judge Solis.
Ang 25 police officers ay ilan sa 197 suspects na nakasuhan ng murder kaugnay ng November 23, 2009 Maguindanao massacre.