^

Metro

Quezon City court, nilusob ng mga magsasaka

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naghigpit ng seguridad ang Quezon City Hall of Justice nang lusubin ito ng grupo ng mga militanteng magsasaka na Katipunan ng Samahan ng mga Magsasaka sa Timog Katagalugan ( Kasama-TK Southern Tagalog), kahapon ng pasado alas- 9 ng umaga.

Ang paglusob doon ay  makaraang hindi pagbigyan ng Quezon City  Police ang mga militante na makaharap at makausap ang kanilang consultant na si Eduardo Serrano na  dinala ng mga awtoridad sa QC-RTC Branch 215 para sa pagdinig na may kasong attempted homicide.

Noong Mayo 10 ng taong ito nang arestuhin  ng mga elemento ng QC Police at PNP Camp Crame si Serrano, consultant ng KASAMA-TK sa Ba­lintawak, Brgy Unang Sigaw, dahil sa  kasong attempted­ homicide.

Ayon kay Chachi Caneso, media liaison officer ng KASAMA-TK, bukod sa attempted homicide na isinampa kay Serrano sa QC-RTC Branch 215 Judge Maria Luisa Padilla, may 40 iba’t iba pang kaso na gawa-gawa lamang ang isinampa laban dito at saka ipiniit sa Kampo Krame.

Gayunman, umalis din ang mga protesters sa kanilang barikada nang malaman na nakaalis na doon si Serrano at naipagpaliban ni Judge Padilla sa October 19, 2015  ang pagdinig sa kaso nito.

Ito ay makaraang katigan ng korte ang hiling ng kampo ni Serrano sa pamamagitan ni Atty. Rashell Pastores na maipagpaliban ang pagdinig sa kaso nito dahil sa idina­daing na pananakit ng kanyang paa.

Balik normal na ang operas­yon ng QC court bago mananghali kahapon.

ACIRC

ANG

BRGY UNANG SIGAW

CAMP CRAME

CHACHI CANESO

EDUARDO SERRANO

JUDGE MARIA LUISA PADILLA

JUDGE PADILLA

KAMPO KRAME

NOONG MAYO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with