MANILA, Philippines – Umarangkada kahapon ang ikalawang araw ng MRT bus project na naglalayong masolusyunan ang napakahabang pila ng mga pasahero ng tren.
Ito ay proyekto ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ayon sa kanilang chairman na si Winston Ginez kasama ang Department of Transportation and Communications (DOTC) at MRT.
Kahapon 40 na bus ang bumiyahe mula alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng umaga mula sa North Avenue at Quezon Avenue stations ng MRT na humihinto lamang sa Ortigas at Ayala Stations.Pareho rin lang sa MRT ang pasahe.
Pumayag naman anya ang mga bus company kahit mababa ang pasahe dahil dagdag-kita ito sa kanila lalo’t coding na bus naman ang gamit sa naturang proyekto.
Sa kabila na pinayagan naman ito ng pampamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) pero maraming mga pasahero ang mas pinipiling pumila sa MRT dahil mas umuusad anila ito kumpara sa trapik sa EDSA.