MANILA, Philippines - Arestado ang 14 katao matapos salakayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang drug den sa Parañaque City.
Sa ulat ni NBI-Anti Illegal Drugs Unit (NBI-AIDU) chief, Atty. Joel M. Tovera, kahapon ay isinailalim na sa inquest proceedings ang mga suspek na kinabibilangan ng tatlong babae.
Kabilang sa mga kinasuhan ang pakay ng tatlong search warrants na sina Ma. Louthela Taylor, isang alyas Bartolome at isang alyas “AT”, na pawang may-ari o nagkokontrol umano ng drug den sa residential houses sa V. Fernandez St., BF Homes, Parañaque City.
Nang salakayin nasamsam ng mga operatiba ang ilang sachets ng shabu, mga disposable lighter, aluminum foil at nakunan din ng nakatanim na isang Marijuana tree sa nasabing drug den, bandang hapon noong Hulyo 24.