MANILA, Philippines – Isang lalaki ang nasa malubhang kalagayan makaraang pagsasaksakin ng isang welder na nagselos at nagduda na may relasyon ito sa kanyang kinakasama sa lungsod Quezon.
Inoobserbahan sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Adrian Batallones, 29, ng no 31 Rosal St., Bgy. Capri, Novaliches habang tinutugis naman ang suspect na si Dondon Delenia.
Sa imbestigasyon ni PO3 Alfredo Quintos, ng Quezon City Police Station 4, nangyari ang insidente sa lugar ng biktima.
Nakita umano ng suspect ang biktima at sinita siya kung may kaugnayan ito sa kanyang live-in partner.
Hindi nagustuhan ng biktima ang paninita ng suspect sanhi upang mauwi ito sa mainitang komprontasyon at mauwi sa suntukan nilang dalawa.
Subalit, dahil malakas ang biktima ay natalo niya sa suntukan ng suspect na agad namang umuwi ng kanyang bahay, pero ilang sandali ay muling bumalik ito na may bitbit na patalim at tinarakan ang una, saka tumakas.