No. 1 Most Wanted ng Plaza Miranda timbog

MANILA, Philippines – Nadakip ng Manila Police District- Plaza Miranda PCP ang  isang  most wanted criminal  na may warrant of arrest sa Quiapo,  Maynila.

Kinilala ni Sr. Insp. Rommel Anicete ang  suspek na si  Michael Jose Corranto, 33,  na sa  No. 311 Palma St.,  Quiapo, Maynila.

Si Corranto ay wanted sa kasong robbery holdup. Una na ring sangkot sa iba’t ibang pandurukot si Corranto sa lugar ng Quiapo.

Batay sa repot, nakatanggap  ng impormasyon si Anicete na nakitang   pagala-gala sa Quiapo  si Corranto  na kinokonsiderang armed and dangerous kaya’t agad niya inalerto ang kanyang mga tauhan.

Nang mamataan, agad na dinamba ang mga pulis ang  suspek sa Platerias St. at binasahan ng Miranda Rights.

Kaugnay nito, inirekomenda  ni Anicete ang pagbibigay ng komendasyon sa kanyang mga tauhan na sina SPO2 Eduardo O. Trinidad, Jr., PO3 Manuel DC. Paras, Jr., PO1 Alger A. Alfante, PO1 Huward A. Dela Cruz, PO1 Ryan A. Leongson at  PO1 Ronoilen P. Pacino, para sa pagdakip kay Corranto.

Show comments