MANILA, Philippines - Kalaboso ang limang Korean nationals makaraang arestuhin ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa iligal na operasyon ng online gambling sa Parañaque, bagamat ang mga parukyano na naglalaro ay karamihang nasa ibayong dagat. Kamakalawa nang dakpin at isailalim sa inquest proceedings sa Parañaque Prosecutors Office ang mga suspek na kinilalang sina Lee Kil Ju, Si Eun Kyoung, Jinkyu Kim, Jaewon Baek, at Ungcheol Jang,
Sila ay dinakip sa operasyon ng MNI-Anti-Organized Transnational Crime Division sa Bayview International Tower II, sa Roxas Boulevard, Parañaque City. Pansamantalang nakapiit sa NBI detention facility ang mga suspek na ipinagharap ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 na may kaugnayan sa Republic Act 1075 o Cyber Crime Act.