^

Metro

Pekeng MTPB, huli sa ‘Oplan Sita’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang nagpapanggap na traffic officer  na hinihinalang nangongotong sa mga moto­rista ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-station 4 Blumetritt-España Police Community Precinct sa isinagawang ‘Oplan Sita’  dahil sa pagsusuot nito ng uniporme ng Manila Traffic and Parking Bureau, pagdadala ng Ordinance Violation Re­ceipt at pagmamaneho ng walang lisensiya sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Isasailalim sa inquest proceedings sa Manila Prosecutors Office ang suspek na si Val Maninang, 52, ng Crisostomo St., Sampaloc, Maynila sa mga kasong paglabag sa Republic Act 177 at 79  (Usurpation of Authority at Illegal Use of Uniform and Insignia) at RA 4136 (Driving without License).

Sa ulat, nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ sina PO1 Danilo Ignacio at PO1 Rolando Geronimo sa panulukan ng Ibarra at Florentino Sts., sa Sampaloc, Maynila alas-12:30 ng mada­ling-araw nang dumaan ang nakamotorsiklong si Maninang­. Nagpakilala umano itong traffic enforcer at dahil nakasuot   ng itim na polo na markado ng “MTPB) at may dala pang pouch bag na may lamang OVR, iba’t-ibang identification cards, mga drivers license na professionals at non-prof  na pinaniniwalaang kinumpiska ng suspek sa mga motorista ay sinita siya subalit bigo siyang magpakita ng sariling driver’s license.

Wala nang nagawa ang suspek kundi sumama na lamang sa mga tauhan ng pulisya kung saan nabatid na dati lang itong tauhan ng MTPB personnel ang suspek subalit sibak na umano ito.

ACIRC

CRISOSTOMO ST.

DANILO IGNACIO

FLORENTINO STS

ILLEGAL USE OF UNIFORM AND INSIGNIA

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA PROSECUTORS OFFICE

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MAYNILA

OPLAN SITA

ORDINANCE VIOLATION RE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with