PANOORIN: Metro Manila Shakedrill

MANILA, Philippines -- Bilang paghahanda sa pinangangambahang magnitude 7.2 na lindol na tatama sa Metro Manila, hinihikayat ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na lumahok sa metro-wide shake drill sa Hulyo 30, 2015.

Ipinaliwanag ng MMDA sa isang video ang naturang paghahanda na magsisimula ganap na 10:30 ng umaga.

Magkakaroon din ng drill sa alas-8 ng gabi sa Ortigas business district sa lungsod ng Pasig.

Isang tunog sa mga radyo ang magsisilbing hudyat ng pagsisimula ng shake drill.

Bawat isa ay hinihikayat na suportahan ang naturang paghahanda sa inaasahang pagyanig ng west at east valley fault system sa Metro Manila.

 
Metro Manila Shakedrill

[Admin 06] Sa July 30, 2015, 10:30 AM na ang Metro Manila Shakedrill. Ang lahat po ay hinihikayat na lumahok sa kauna-unahang metrowide earthquake drill na maghahanda sa atin laban sa banta ng 7.2 magnitude na lindol. #mmshakedrill

Posted by MMDA on Wednesday, July 22, 2015

 

Show comments